INFORMATION LITERACY (Lecture)



Image result for global warming aesthetic

MAMULAT: Ang Paglala ng Global Warming

        Tunay na napakaganda ng mundo na nilikha ng ating Panginoon. Taglay nito ang lahat ng kailangan natin upang mabuhay ng masaya at matiwasay. Subalit, masyado na ata nating inaabuso ang kapangyarihan at kalayaang binigay satin dito sa lupang ating kinatataniman. Kasabay ng pag-unlad at paglago ng mga teknolohiya ay ang unti-unting pagkasira at pagkawasak ng mga likas na yaman. Kasabay nang labis na pag-unlad ay ang paniningil sa atin ng kalikasan sa ating mga pagkukulang. Hindi maigigiit ninuman na tunay ngang lumalala na ang problema at kasabay ng pag-init ng ulo ng Inang Kalikasan ay ang pag-init ng mundong ating kinabibilangan.
          Ang Global Warming ay ang pagtaas ng kabuuang temperatura ng mundo bunsod ng mga tinatawag na Greenhouse gases na bumabalot sa ating atmospera at nagpapainit sa mundo. Ang pangunahing sanhi ng pagdami ng Greenhouse gases ay ang paggamit ng mga “fossil fuels” kagaya ng coal, langis at natural gas na nagbubuga ng carbon dioxide, isa sa mga sangkap ng greenhouse gases. Sumakatuwid, ang Global Warming ay hindi isang natural na phenomena kung hindi isang suliraning bunga ng mga aksyong isinasagawa ng mga tao. Ilan sa mga senyales at epekto ng Global Warming ay ang pagtaas ng kabuuang temperature ng mundo ng 1.62 Farenheit mula sa taong 1900, patuloy na pag-init ng mga karagatan, pagkatunaw at pagbaba ng kapal ng yelo sa Antarctic at Greenland, pagtaas ng lebel ng mga karagatan at mga hindi pang-karaniwang kalamidad kagaya ng malalakas na lindol, pagkasunog ng kagubatan at mapaminsalang mga bagyo.
          Tunay na ganap na nga ang Global Warming. Hindi ito isang biro o haka-haka lamang ng mga siyentipiko upang takutin ang mga tao. Ito ay tunay at lehetimo sapagkat ito ay naaayon sa mga makatotohanang impormasyon na kung hindi man nating direktang nararanasan at nababasa ay nakikita naman natin sa mga social media at mga balita.
Ang Global Warming ay hindi isang natural na penomena. Tayo ang natatanging dahilan ng kaganapang ito at tayo rin ang natatanging solusyon dito. Ang pagresolba sa Global Warming ay masalimuot subalit hindi ito imposible. Kinakailangan lamang dito ang ating dedikasyon sapagkat ang solusyon ay nagsisimula sa ating sarili at sa ating mga tahanan. Ilan sa mga ito ay ang pagtapon ng mga kalat sa tamang basurahan, pagtitipid sa paggamit ng kuryente at tubig, pag-rerecycle ng mga kagamitan, pag-iwas sa paggamit ng mga hindi nabubulok na gamit kagaya ng plastic at styrofoam at higit sa lahat ay ang pagiging isang huwarang modelo para sa iba at para sa kabataan. 

          Ang Global Warming ay hindi isang biro kung kaya’t nararapat na ito’y harapin ng seryoso at may buong determinasyon. Huwag na sana nating hintayin pa ang panahong hindi na natin mareresolba ang problemang ito, at tuluyan nang bawiin ng kalikasan ang ating tahanan. Habang may oras pa ay dapat na tayong kumilos, hindi bukas kung hindi ngayon. Tayo lamang ang solusyon sa Global Warming. Pairalin natin ang ating isip at puso. Tayo’y maging disiplinadong mamamayan ng mundo upang mundong ito ay atin pang mabago. 

"We have a single mission: to protect and hand on the planet to the next generation." 
- Francois Hollande

Comments

Popular posts from this blog

ANG AKING BLOG

MEDIA AND INFORMATION LANGUAGES